Minsan Kailnngan Muna Nating Masaktan Bago Matauhan.
Parang Life Insurance – yung ayaw mong malalaman ang ipmotransya ng isang bagay kapag huli na ang lahat.
Basahin ang kwento ni Jen:
Nang kinasal kami ni Miguel nung 2005, 21 years old pa lang ako. Ni hindi pumasok sa isip ko na magiging byuda pala ako by 26 at di ko din naisip na meron akong 9 month old na baby na papalakihin mag isa.
Simula pa lang nang mabuntis ako, panay ang kwento sakin ni Miguel tungkol sa insurance pero hesitant ako. 24 pa lang ako nun, pero matured na magisip ni Miguel. Hindi naman sa hindi ako matured, pero nakakatakot kasi pag insurance ang pinag uusapan. Pinagbubuntis ko pa lang yung baby namin na inintay namin ng tatlong taon, syempre ayaw ko namang isipin na isa samin yung mawawala.
Nung maaksidente si Miguel, Monday nun. Bago nangyari yun, masaya pa kami together kasi week end. Nung Sunday ng gabi, dumalaw pa yung mga friends ko para sa kaunting salo salo. Maagang nagpahinga si Miguel nun at tulog na sya pagpasok ko sa kwarto para samahan syang matulog.
Kinaumagahan, pumasok na sya sa work pero dahil Monday at unang araw ng lingo, paggising ko nakaalis na sya. Kung hinalikan nya ko bago sya umalis, which is palagi nyang ginagawa, hindi ko na namalayan. Nang bandang hapon, nasa kusina ako nun kasi maaga akong nagpeprapare ng hapunan para padating ni Miguel, makakain agad sya kasi alam kong pagod sya sa trabaho. Nakaupo ako sa harap ng lamesa nang marinig ko na may kumakatok sa pinto, ang nasabi ko pa, napaaga ata si Miguel. Pagbukas ko ng pinto, Kapatid ko pala, si Carlo, na kasamahan di ni Miguel sa trabaho bilang construction worker. Tumingin sya sakin at sabi nya, “Jen, punta tayo sa ospital, Si Miguel…
Naalala ko pa kung pano nya ko hinatak sa pagkakatayo ko at bumyahe agad kami papuntanng ospital. Ang unang tanong ko sa kuya ko,“Malala ba?”
Pinisil nya lang ang kamay ko.
Nang dumatinng kami sa ER, andun din yung mga kasama nya sa trabaho. Hindi sila makatigin sakin ng diretso – dun ko na na-confirm yung kutob ko, iniwaan na nga kami ni Miguel.
Itong kwento ng buhay ko ay nagpapaalala na once na nagkapamilya tayo – kahit ano pa man ang edad natin, napakaimportante ng insurance.
Ayaw kong isispin yun ng mga panahong yun, pero sewrte pa rin ako kasi kumuha si Miguel ng insurance. Hanggan sa huli, ipinaramdam pa rin nya sa aming mag-ina kung gano nya kami kamahal. Pano na lang kaming mag-ina kung hindi naghanda ang asawa ko?
0 Comments