Kung May Anak Ka, Kailangan Mong Basahin Ito.

Kung May Anak Ka, Kailangan Mong Basahin Ito.

Written by admin

June 20, 2020

Minsan, kailangan muna nating masaktan bago tayo matauhan.

Parang life insurance—madalas ayaw nating pag-usapan, ayaw nating isipin… hanggang sa dumating ang araw na huli na ang lahat.

Basahin mo ang kwento ni Jen.

Nang ikasal kami ni Miguel noong 2005, 21 years old pa lang ako. Bata pa. Masaya. Puno ng pangarap.
Hindi kailanman pumasok sa isip ko na by 26, byuda na ako—at may 9-month-old na sanggol na kailangan kong palakihin mag-isa.

Simula pa lang nang mabuntis ako, paulit-ulit nang binabanggit ni Miguel ang tungkol sa insurance. Pero hesitant ako.
24 pa lang ako noon. Si Miguel, kahit mas bata lang ng kaunti, mas matured mag-isip.
Hindi naman sa hindi ako handa…
Natakot lang talaga ako.

Kasi kapag insurance ang usapan, parang tinatawag mo na rin ang masamang mangyari.
Pinaghihintay namin ng tatlong taon ang baby namin—syempre ayokong isipin na may mawawala sa amin.

Monday nang mangyari ang aksidente.

Masaya pa kami nung weekend.
Sunday night, may kaunting salu-salo sa bahay kasama ang mga kaibigan ko.
Maagang natulog si Miguel. Pagpasok ko sa kwarto, tulog na siya.
Humiga ako sa tabi niya—hindi ko alam na iyon na pala ang huling gabi.

Kinabukasan, pumasok na siya sa trabaho.
Pagkagising ko, nakaalis na siya—Lunes eh.
Kung hinalikan niya ako bago umalis, tulad ng lagi niyang ginagawa, hindi ko na namalayan.

Bandang hapon, nasa kusina ako.
Maaga akong naghahanda ng hapunan—para pagdating niya, makakain agad siya. Alam kong pagod siya sa trabaho.

May kumatok sa pinto.
Ang una kong naisip, “Napaaga ata si Miguel.”

Pagbukas ko ng pinto… kapatid ko pala, si Carlo—kasamahan ni Miguel sa construction.
Hindi niya ako agad matingnan.

“Jen… punta tayo sa ospital. Si Miguel—”

Hindi na niya natapos.

Hinatak niya ako palabas.
Sa biyahe, iisang tanong lang ang paulit-ulit kong sinasabi:
“Malala ba?”

Pinisil niya lang ang kamay ko.

Pagdating namin sa ER, nandoon na ang mga katrabaho niya.
Walang makatingin sa akin ng diretso.

Doon ko na naramdaman.
Doon ko na alam.

Iniwan na nga kami ni Miguel.

Ang kwentong ito ng buhay ko ay paalala:
Kapag nagkaroon ka na ng pamilya—kahit ano pa ang edad mo—hindi sapat ang pagmamahal lang.
Kailangan may paghahanda.

Ayaw kong isipin ang insurance noon.
Pero nagpapasalamat pa rin ako—dahil nag-isip si Miguel para sa amin.

Hanggang sa huli, ipinaramdam niya kung gaano niya kami kamahal ng anak namin.
Dahil kahit wala na siya, may iniwan siyang proteksyon.

At minsan, naiisip ko…

Paano na lang kaming mag-ina kung hindi siya naghanda?

You May Also Like…

The Cycle of Life

The Cycle of Life Have you ever asked yourself why you are waking up early in the morning to work every single day?...

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *